Kabataan: Pag-asa ng Inang Bayan
Ayon kay Dr. Jose Rizal,ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Tayong mga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating Inang Bayan. Ngunit,sa paglipas ng panahon ay malaki na ang pinagkaiba ng mga kabataan noon at ngayon. Tila unti-unti ng nabubura sa isipan ng mga kabataan ang mensaheng ito. Magagampanan pa kaya nila ang pagiging pag-asa ng bayan?
Habang tumatagal ay nagbago na ang mga ugali, kilos at gawi ng mga kabataan ngayon. Sinasabing ang mga kabataan noon ay mas masunurin at magalang. Isang tingin lang ng ina sa anak ay susunod na pero ngayon nagrerebelde na. Nakaugalian na nating mga Pilipino ang mag mano sa nakatatanda at pagtawag ng "po" at "opo" ngunit unti-unti na itong naglaho. Kung dati ay sa pagsapit ng alas-otso ng gabi wala ng kabataan sa labas, ngayon ay kahit hatinggabi na ay nag-iinuman pa sa labas. Sa kabataan noon na nabubuhay sa hindi pa gaanong kaunlad na teknolohiya ay naglalakad ng ilang kilometro para lang makapasok sa eskwela habang ang mga kabataan ngayon ay ilang metro lang ang layo pero tinatamad pang maglakad. Jung dati ay uso pa ang bahay-bahayan at tagu-taguan, ngayon ay hindi na nasisiyahan ang mga bata sa larong ito sa halip ay gadget na ang inaatupag.
Marami pa rin namang mga kabataan sa kasalukuyan na tinatahak ang ganitong klaseng buhay dati. Sana ay maging inspirasyon at maging daan sa ibang kabataan na pahalagahan kung anong meron dati at hindi maging pabaya sa mga bagay-bagay. Nawa'y sanay ang mga maling hinaharap ng mga kabataan ngayon ay maging tulong sa kanila upang matuto at magbago. Itutuwid ang kanilang mga pagkakamali at ang sarili mismo para sa ikakaunlad ng ating Inang Bayan. Ang kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan.
Ang Buhay ni Digong:
Si Rodrigo Roa Duterte, kasalukuyang pangulo ng Republika ng
Pilipinas, ay ipinanganak noong ika-28 ng marso taong 1945 sa Maasin City na
ngayo’y kapital ng Southern Leyte. Siya ay anak nina Soledad Duterte at Vicente
Duterte. Ang kanyang ama ay abogado at ang ina’y guro at Civic leader. Nasa
lahi na nila ang pagiging politiko. Sumakatuwid, nagiging alkalde ng Danao,
Cebu ang kaniyang ama bago pa maging provincial governor ng Davao, habang ang
pinsan nama’y nagsilbing alkalde sa Cebu City mula 1983 hanggang 1986. Kaya
masasabi natin na hindi baguhan sa politika ang mga Duterte. Sila ay kilala at
iginagalang sa mundong kanilang ginagalawan. Kinokunsidera nilang kamag-anak
ang mga Durano at Almendras.
Si Digong ay nag-aaral sa mababang paaralan Laboon Elementary School sa Maasin sa loob ng limang taon. Ang natitira pang taon sa elementarya ay kaniyang ipinagpatuloy sa Santa Ana Elementary School sa Davao City kung saan sya nagtapos. Hindi tinatago ni Digong na siya ay pangalawang beses nang napatalsik sa paaralan dahil sa misconduct. Siya ay nagtapos noong 1968 sa Lyceum of the Philippines sa kursong Bachelor of Arts in Political Science sa Maynila. Nagtapos din siya ng abogasya sa San Beda College of Law sa Maynila noong 1972. Sa parehas na taon ay pumasa siya sa bar exam. Naging Special Council siya sa City Prosecutor mula 1979 hanggang 1981; at second Assistant City Prosecutor mula 1983 hanggang 1986.
Pagkatapos ng People Power ay nanungkulan siya bilang OIC
vice mayor ng Davao. Pagkatapos nito ay tumakbo siya sa mas mataas na posisyon
na alkalde ng lungsod at nanalo. Noong 2015, tumakbo sa pagkapangulo si Digong at
naghanda ng ibat ibang political parties. Usap-usapan noon ang mga posibleng
Manalo sa halalan. Una nang lumabas ang pangalang Vice President Jejomar Binay
na umani ng ibat ibang batikos sa kasangkutan nito sa anomalya, sumunod si
Senadora Grace Poe n amalakas ang dating dahil anak ni Fernando Poe Jr., si Mar
Roxas na inindurso ni Pangulong Aquino at si Miriam Defensor Santiago. Ngunit
sa huli, laking gulat ng lahat na laking Davao ang nanalo sa halalan. Ang mga
tao ay nabuhayan dahil may Nakita silang pag-asa kay Digong. Noong hunyo,
sumumpa si Digong bilang ika-16 na pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siya ang
kilala bilang pangulong nagmumura, sapagkat di niya mapigilang magsalita ng
kung anu-anong masasakit na salita. Gayunpaman nagpapasalamat ang mamanatang
Pilipino dahil nagkaroon sila ng matapang na pangulo na siyang pumupuksa sa
droga at kriminalidad. Si Digong ay walang katulad na matapang, mapag-malasakit
at walang inuurungan.
Mabuhay ka Digong, Mabuhay!
No comments:
Post a Comment